Trader bilang LRTA chief kinontra

MANILA, Philippines - Tinutulan ng mga opisyal at empleyado ng Light Rail Transit Administration (LRTA) na maitalagang admi­nistrator ang matagal nang nagnenegosyo sa mismong kompanya ng gobyernong gusto niyang pamahalaan.

Ayon sa isang miyembro ng LRTA board na tumangging magpabanggit ng pangalan, haharangin nila ang pagtatalaga sa isang “JD” na kilala umanong negos­yante na inila-lobby umano ng isang opisyal ng gobyerno kay DOTC Secretary Mar Roxas para maging administrador ng LRTA.

Kinuwestiyon din ng mga empleyado ng LRTA ang panghihimasok ng naturang opisyal sa ahensiya. Sinasabing naging instrumento rin umano ito para maitalaga ang nag-resign na dating administrator Raffy Rodriguez.

Show comments