Cabanatuan nagtala ng 37.2 init
MANILA, Philippines - Nakapagtala ng 37.2 degree celcius na init ng panahon sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon ng alas-2 ng hapon.
Gayunman, sinabi ni Buddy Javier, weather forecaster ng Pag Asa, hindi pa rin ito ang pinakamainit na panahon na naitala mula noong Enero ngayong taon dahil noong April 13, nakapagtala ng 38.4 degree celcius na init sa Clark Pampanga.
Bunsod nito, pinayuhan ni Javier ang publiko na mag-ingat sa ganitong kainit na panahon dahil maaari itong magdulot ng heat strokes at masakit na sa balat.
Samantala, umabot naman sa 34.5 degree Celsius ang naitalang init sa Metro Manila kahapon ng alas 3:30 ng hapon sa Sunken Garden sa UP Diliman, Quezon City.
Binigyang diin ni Javier na asahan pa rin mas titindi pang init ngayong Abril hanggang Mayo ngayong taon.
- Latest
- Trending