^

Bansa

P300K reward vs mag-utol na Reyes

- Ni Joy Cantos/Angie dela Cruz/Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagpalabas na ng P300,000 reward ang mga pribadong sektor laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid nito na pawang itinuturong mastermind sa pagpatay sa environmentalist/brodkaster na si Dr. Gerardo Ortega noong Enero 2011.

Siinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na ang nasabing reward ay mula sa pondo ng mga supporters ni Ortega sa pribadong sektor gayundin mula sa fund-raising ng kampo ni Patria Ortega, ang misis ng biktima.

Bukod kay ex-Gov. Reyes, hinahanting din ng pulis­ya ang kapatid nitong si Coron, Palawan Mayor Mario Reyes Jr.

Naniniwala naman si Robredo na nagtatago lamang at hindi pa nakalalabas ng bansa ang magkapatid na Reyes.

Noong Enero 24, 2011 ay pinagbabaril sa ukay-ukay store sa Puerto Princesa City, Palawan si Ortega ng nasakoteng gunman na si Marlon Recamata na umamin na binayaran lamang umano siya ng security aide ni ex-Gov. Reyes ng P150,000 para paslangin ang brodkaster.

Nasakote rin si dating Palawan Provincial Administrator Romeo Seratubias matapos na matukoy sa imbestigasyon na baril nito ang ginamit sa pagpatay kay Ortega.

DR. GERARDO ORTEGA

MARLON RECAMATA

NOONG ENERO

ORTEGA

PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES

PALAWAN MAYOR MARIO REYES JR.

PALAWAN PROVINCIAL ADMINISTRATOR ROMEO SERATUBIAS

PATRIA ORTEGA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with