Split-up nina PNoy, Lee itinanggi ng Palasyo

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na nag-break na sina Pangulong Benigno Aquino III at ang sinasabing rumored presidential girlfriend at GMA 7 celebrity anchor Grace Lee.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Palasyo, walang katotohanan na naghiwalay na ng landas sina Pangulong Aquino at Filipina-Korean tv personality na si Grace Lee.

Sinabi pa ng source, nito lamang Sabado ay nag-dinner date ulit sina Pangulo at Grace Lee sa Shangri La Makati saka nanood ng sine sa Greenbelt 5 Makati City.

Iginiit ng source, wa­lang katotohanan na nag­hiwalay na sina PNoy at Grace Lee dahil nitong Sabado lamang ay nag-date ulit sila at masayang magkasama na kumain at nanood ng sine.

Napaulat na ‘split’ na umano ang binatang Pa­ngulo at ang Fil-Korean tv anchor na si Lee pero mariing itinanggi ito ng Malacañang.  

Show comments