^

Bansa

Electoral sabotage vs 2 Comelec officials tuloy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Tinutulan ni Sen. Aqui­lino ‘Koko’ Pimentel III ang plano ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang electoral sabotage cases na nakasampa laban sa 2 opisyal ng Comelec upang gawin itong state witness laban kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos.

Siniguro ni Sen. Pimentel, na siyang na­nguna upang masampahan ng kaso sina Atty. Lilian Suan Radam at Yogi Matirizarm, na kanyang itutuloy ang kaso laban sa 2 dahil kasabwat ito sa pandaraya sa Cotabato sa nakaraang 2007 elections.

“As far as I am concerned, lawyers Lilian Suan Radam and Yogi Martirizar were the most guilty of the accused that’s why I filed the criminal charges against them,” wika pa ni Pimentel.

Si Radam ay dating provincial supervisor sa South Cotabato habang si Martirizar naman ang election supervisor sa North Cotabato.

Sinuportahan ni Pimentel ang posisyon ng Comelec na walang dahilan para ibasura ang kaso laban kina Radam at Martirizar.

Naunang inihayag nina Comelec Chairman Sixtor Brillantes at Commissioner Rene Sarmiento na planong i-withdraw ng poll body ang electoral sabotage case laban sa dalawa.

“There is no resolution approved to withdraw the case against them and there is no reason to drop the case,” wika pa nina Brillantes at Sarmiento.

Iginiit pa ni Brillantes na bagamat mahalaga ang testimonya nina Ra­dam at Martirizar laban sa kaso ni Abalos ay hindi naman maituturing na ‘least guilty’ ang mga ito dahil sila mismo ang nagsagawa ng pandaraya.

Inamin naman ni DoJ Sec. Leila de Lima na ikinukunsidera nila na gawing state witness na lamang sina Radam at Martirizar.

BENJAMIN ABALOS

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTOR BRILLANTES

COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DEPARTMENT OF JUSTICE

LILIAN SUAN RADAM

LILIAN SUAN RADAM AND YOGI MARTIRIZAR

MARTIRIZAR

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with