^

Bansa

Diplomatic protest ng PHL vs China isinantabi

Nina - Ellen Fernando/Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa nagaganap na negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China, pansamantalang isinan­tabi muna ng pamahalaan ang paghahain sa United Nations ng diplomatic protest laban sa China  bunsod sa nagaganap na stand-off sa Scarborough Shoal sa Zambales.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, naka-hold muna ang pormal na paghahain ng protesta laban sa China dahil sa panghihimasok sa Scarborough o Panatag Shoal habang masinsinan ang ginaganap na pag-uusap sa pagitan nina Foreign Affairs Secretray Albert del Rosario at Chinese ambassador to Manila Ma Keqing.

Ayon kay del Rosario, kagabi itinakda ang mu­ling pulong nila ni Keqing upang makapagpalabas ng resolusyon hinggil sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng mga Chinese vessels at Phl troops sa Scarborough.

Sinabi ni del Rosario na magandang senyales din ang ipinakita ng China matapos na iatras nila ang isa sa kanilang barko kahapon kasunod ng pag-pull out ng pamahalaan sa BRP Gregorio del Pilar ng Philippine Navy na unang nakipaggiriian sa 10 Chinese vessels kabilang na dito ang dalawang Marine Surveillance ships.

Bagaman ‘status quo’ umano ang sitwasyon sa Scarborough ay hindi pinapayagan ang magkabilang panig na magkaroon o umabot sa madugong engkuwentro ang tensyon sa nasabing shoal.

Bunsod sa aksyon ng China na pag-atras ng isa nilang barko, bahagyang humupa ang tensyon sa Scarborough at inihayag ng Kalihim na patuloy ang diplomatikong pag-uusap upang ma-solusyunan ang nagaganap na iri­ngan sa pinag-aagawang teritoryo.

Nilinaw naman na umatras ang BRP Gregorio dahil sa nawalan na ito ng suplay ng pagkain at langis. Dahil sa lumilinaw na negosasyon, hindi umano muna kaila­ngang humingi ng tulong ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Isa ang barko ng Pili­pinas na naka-deploy ngayon sa Scarborough habang dalawang Marine ships at walong fishing vessels ang mula sa China

Nakatakda namang tumulak sa US at United Nations Security Council si del Rosario sa Linggo para sa umano’y ibang misyon. 

AYON

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETRAY ALBERT

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

GREGORIO

MANILA MA KEQING

MARINE SURVEILLANCE

PANATAG SHOAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with