Free medical services tuloy-tuloy sa Caloocan
MANILA, Philippines - Upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat residente ng Caloocan City ay tuloy-tuloy ang ibinibigay na free medical services ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri na layuning matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga naninirahan sa lungsod.
Ayon kay Echiverri, simula pa noong February 15, 2012 nang isagawa ang Free Clinic ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sa mga residente ng lungsod kung saan ay 415 mamamayan ang natugunan ng iba’t-ibang serbisyong medical tulad ng breast and prostate screening, pap smear, bone screening, x-ray, ECG and cholesterol test at tooth extraction.
Nitong nakalipas na March 28 nang isagawa ang “Operation Bukol” na nakapagtanggal ng minor cysts sa 15 pasyenteng nangangailangan.
Ngayong araw naman (April 13) ay sinimulan na ang “Libreng Tuli” (Free Circumcision) na isasagawa tuwing araw ng Biyernes sa PDMMMC at ang screening ay gagawin tuwing Huwebes.
Sa darating na April 16-20 ay magsasagawa naman ng “Operation Restore Hope” para sa mga residenteng may bingot (harelip) na libreng ooperahan ng mga doktor na magmumula pa sa ibang bansa.
- Latest
- Trending