^

Bansa

Trader nagpasaklolo sa QC court

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong sibil sa korte ang isang negosyante sa Quezon City Regional Trial Court matapos hilingin ang pagpapalabas ng Injunction at Temporary Restraining Order (TRO) makaraan bakuran ang gusali ng kanyang inuupahang puwesto ng bagong may-ari ng gusali na nakabili sa naturang estblisimyento.

Sa 12 pahinang kahilingan, nagsampa ng kasong Breach of Contract with Specific Performance and Damages with Prayer for Injuction and/or TRO ang complainant na si Ruth Ligtas. businesswoman, ng 23 Diamond Lane, Morning Star, Culiat, QC laban sa Sunland Development Corp.

Sa reklamo ni Ligtas, sinabi nito na siya ay umuupa ng isang puwesto sa LTV Building sa  627 Edsa, Cubao, QC sa kanyang negosyong general merchandise na buy and sell sa halagang P13,830 kada buwan.

Sinabi ni Ligtas na ang naturang puwesto ay sini­mulang upahan ng kanyang mga magulang noong Agosto 1982 na kanya naman minana.

Ang LTV Building ay dating pagmamay-ari ng Fil-Ocean Maritime Corp. at naibenta sa Sunland.

Nitong Marso 2, 2012 nakatanggap siya ng sulat mula sa Sunland Corp. na nagsasabing ang LTV building ay nakatakdang idemolis sa Abril 15, 2012 at inaabisuhan siya kasama ang iba pa niyang kasamahan na umuupa na lisanin na ang kanilang inuupahang puwesto.

Nitong Abril 1, 2012 sinimulan ang pagbabakod sa paligid ng LTV upang bigyang daan ang pagsasagawa ng renovation na dahilan sa pagsasampa nito ng kahilingan para sa TRO sa korte.

vuukle comment

BREACH OF CONTRACT

DIAMOND LANE

FIL-OCEAN MARITIME CORP

LIGTAS

MORNING STAR

NITONG ABRIL

NITONG MARSO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RUTH LIGTAS

SPECIFIC PERFORMANCE AND DAMAGES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with