MANILA, Philippines - Binalewala lamang ng liderato ng Liberal Party (LP) ang ulat tungkol sa pagsasanib puwersa ng partido nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tanada III, tagapag-salita ng LP, na maging ang partido nila ay maari din naman makipag coalition sa iba pang partido na may katulad din nila ng agenda at interests subalit maaga pa umano para pag usapan.
Giit ni Tanada, hindi natatakot o nababahala ang LP sa coalition ng PDP-LABAN (Partido ng Masang Pilipino) gayundin ang pag anib ng iba pang senatoriables para sa 2013 mid-term elections kung saan tatawagin umano ang partido na “UNA”.
Nauna na rin inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile ang posibleng pagsasanib ng dalawang partido ngayong 2013 elections at maaring sa 2016 kung saan inaasahan na tatakbo bilang presidente at posibleng ang LP ay tumutol dito dahil sa ang tambalan ng dalawa ay inihalintulad nito na “David and Goliath”.
“The LP may form its own coalition with other political parties if the other political parties agree with the agenda of reform as espoused by PNoy . But as of now, discussions on forming a coalition are too early,”ayon pa kay Tanada.
Paliwanag ni Tanada, sa ngayon umano ay abala ang LP sa kanilang mga miyembro mula sa mga lalawigan at munisipalidad gayundin ang pag re-recruit sa kanilang mga miyembro na sumasailalim sa mga seminars sa ibat ibang chapters sa buong bansa kayat hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol sa pakikipag coaliton sa iba pang partido.