^

Bansa

Kongresista tumanggap ng 'death threat' sa PNP official

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nakakatanggap umano ng death threat si LPG-Marketers Association (LPG-MA) party list Rep. Arnel Ty mula sa isang mataas na opisyal ng pulisya na umano’y protektor ng mga abusado at mandarayang  refillers ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa kanilang mga customers.

Ayo kay Atty. Miguel Ponce Jr., chief of staff ni Ty, nais nilang ikonsidera na potential death threat ang natatanggap ng kongresista at ng pamilya nito mula sa isang mataas na opisyal ng kapulisan na umano’y nagbibigay ng Mafia-like protective sa mga abusadong LPG refilling station.

Ang nasabing mga LPG refilling station umano ay naisyuhan ng search warrant ng korte dahil sa pang- aabuso at pandaraya sa kanilang mga customer.

Dahil dito kaya’t nag­hain na umano sila ng rek­lamong obstruction of justice, unjust vexation at violations of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees laban sa naturang opisyal sa tanggapan ni National Police Director General Nicanor Bartolome.

Bagama’t hindi pina­ngalanan ni Ponce ang nasabing opisyal ay  ipinag-utos na umano ni Bartolome na sibakin si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Senior Supt. Rhodel Sermonia mula sa kanyang puwesto base na rin sa reklamo ni Ty.

Si Sermonia ay kabilang sa 20 CIDG officers na sinibak ni Bartolome noong nakalipas na linggo matapos masangkot umano sa iba’t ibang iregularidad at illegal na aktibidad bukod pa dito na nahaharap din sila sa kasong administratibo.

“The Congressman fears not so much for his personal security, but for the safety of his family. Besides, the officer who made the threat has control over a large group of armed men due to his high position in the force,” ayon pa kay  Ponce.

Idinagdag pa ng abogado na nakialam at tinangka umanong pigilan ni Sermonia ang mga ahente ng CIDG’s Anti-Fraud Division sa pagsilbi ng search warrant sa illegal refilling station sa Valenzuela City noong Marso 23 ng taong kasalukuyan.

ANTI-FRAUD DIVISION

ARNEL TY

BARTOLOME

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

MARKETERS ASSOCIATION

MIGUEL PONCE JR.

NATIONAL POLICE DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

RHODEL SERMONIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with