MANILA, Philippines - Itinanggi ni Vice-President Jejomar Binay na mula sa kanyang kampo ang kumalat na text messages na ipinadala sa iba’t ibang tao sa panahon ng Semana Santa.
Nakasaad sa sinasabing text messages ang “Let’s pray for unity this Holy Week. VP Binay will unite all factions vs the vindictive Yellow Army+Google Manila Times+Binay Senate slate.”
“Jesus, Joseph & Mary may be gone, but salvation lies in our beloved Jejomar. Go VP Binay+ Pls pass…”
“Paalala mula sa tanggapan ni VP Binay: Magpaka-Boy Scout ngayong Holy Week – huwag aanga-anga sa daan para hindi manakawan.”
“We pray that GMA’s Strong Republic will be realized under Binay’s Strong Leadership. Time to unite. Patawarin ang nagsisisi! Binay sa 2016!”
Sinabi ni VP Binay sa kanyang official twitter account na nalulungkot siya sa nasabing propaganda kung saan ay pinalilitaw na mula ito sa kanyang kampo.
“Clearly, the intention is to antagonize the public. Holy Week is a time for Christians to reflect on the sufferings of Jesus,” wika ni Binay.