^

Bansa

Residente sa NCR, 6 rehiyon bawal lumabas ng bahay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ipagbabawal ng pa­mahalaan ang paglabas ng tahanan ng mga residente sa Regions I,II, III, IV-A, IV-B, Region 5 at maging sa National Ca­pital Region (NCR) kaugnay ng nakatakdang pag­lulunsad ng missile ng North Korea sa darating na Abril 12-16.

Ayon kay National Di­saster Risk Reduction­ and Management Council (NDRRMC) Executive Di­rector Benito Ramos, ang hakbang ay ba­hagi ng in­­latag na con­tingency­ measure ng ka­niyang tangga­pan na inireko­menda mis­mo­ ni Philippine Nu­clear­ Research Radio­lo­gical Ins­titute Direc­tor Alumandra de la Rosa.

Samantala, nakahan­da rin ang contingency measure sakaling kaila­nganin ng evacuation ng mga residente.

Una nang inihayag ni Ramos ang pagpapatupad ng ‘no fly zone’ at ‘no sail zone’ sa lahat ng mga eroplano, maglalayag na bangka at mga barko sa mga lugar na posibleng tamaan ng trajectory ng debris umano ng nasabing missile mula alas-6 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon. Ang missile launching ng North Korea ay itinakda mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa nasabing mga petsa.

Sinabi naman ng opis­ yal na mapipilitan silang hulihin ang mga matitigas ang ulong mga mangi­ngisda na magpupumilit pumalaot kung saan ay inalerto na ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy at maging ang PNP-Maritime Group.

Sa monitoring ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Ramos na ang ‘polar orbit ‘ ng ba­gong Sohae Satellite­ Launching Station sa Pyongyan Pro­vince ng North Korea ay malapit lamang sa hangganan ng China at ang dadaanan ng missile ay sa katimugang direksyon ng himpapawid  sa South Korea, patungo sa Taiwan at Pilipinas.

Tatahak umano ang ilulunsad na missile sa silangang bahagi ng Region 2 sa Sta. Ana, Cagayan; Polilio Island, Camarines Norte, Catanduanes at iba pang lugar sa Luzon.

“The second stage (Nokor missile) is expec­ted to fall in an area 190 KM east of Luzon,” ayon pa sa NDRRMC.

Ayon pa kay Ramos, ang Kwangmyongsong 3 long range missile ng North Korea ay kahalintulad umano sa Taepodong missile na idini-develop ng nasabing bansa bilang delivery system para sa weapons of mass des­truction.

vuukle comment

AYON

BENITO RAMOS

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE DI

MISSILE

NORTH KOREA

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with