MANILA, Philippines - Lumobo na sa 12 katao ang nasawi sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) at tail-end of a cold front na nararanasan sa bansa simula pa nitong nagdaang linggo.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, pito katao ang nasawi mula sa Visayas Region at lima katao sa Bicol Region.
Marami pa ring mga tulay at kalsada na hindi madaanan sa Visayas dahil sa mataas na tubig-baha habang nasa tatlo pa ang nawawala sa Bicol Region.
Ang masamang panahon ay nakaapekto na rin sa may 12,803 pamilya sa 206 barangay sa 18 bayan at apat na lungsod sa Regions IV-B, VI, VIII at XI.
Naitala sa P81,054,894 M ang pinsala sa ari-arian.