^

Bansa

Pacquiao 'di kakasuhan - BIR

Nina - Angie dela Cruz/Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares na hindi naman kakasuhan ng ahensiya si boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao at inaantay lamang nila na maisu­mite ang kailangang dokumento ng ahensiya sa mga kita nito.

Ayon kay Henares, kung isusumite lang naman ni Pacquiao ang mga kinakailangang dokumento ay wala ng magiging problema pa at walang ipaghaharap na reklamo laban dito.

Una nang napaulat na sinabi ni Atty. Frank­lin Ladores, revenue district officer ng BIR GenSan, na nag-submit na si Pacquiao ng kaniyang counter affidavit sa initial complaint sa isyu ng hindi pagbabayad ng tamang buwis at inaasahan na magkakaroon ng evaluation ang Koronadal City Prosecutor’s Office kung may sapat na basehan para kasuhan o hindi ang naturang mambabatas.

Si Pacquiao, eight-time world champion, ay nahaharap sa kasong criminal dahil umano sa pagpigil o obstruction sa imbestigasyon ng BIR tungkol sa kanyang mga kinita.

Nagdeklara ito ng P1.13-B assets noong 2010 at walang liabi­litiy o anumang bayarin. Siya rin ang itinuturing na pinakamayamang miyembro ng Kongreso.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

HENARES

KIM JACINTO-HENARES

KONGRESO

KORONADAL CITY PROSECUTOR

LADORES

PACQUIAO

SARANGANI REP

SI PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with