Listahan ng mga botante pinalilinis na sa Comelec
MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga kongresista sa Mindanao sa Commission on Elections na linisin ang listahan ng mga botante bago ang 2013 midterm elections.
Sinabi nina Reps. Simeon Datumanong (Maguindanao), Karlo Alexei Nograles (Davao) at Tupay Loong (Sulu) na dapat siguruhin ng Comelec na magiging maayos at kapani-paniwala ang resulta ng darating na halalan.
Ayon sa Comelec, nadiskubre nito na mayroong 236,000 double registrants sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.
Sinabi ni Nograles na matagal na nilang inirereklamo ang double at multiple entries sa voter’s list.
“That is why we long advocated for full biometrics, not only during registration but especially during voting proper. Ideally, we must follow the rule ‘no biometrics, no vote’ to ensure that there will be no flying voters, no multiple votes, no ghost voters, etc,” ani Nograles na ang pinatutungkulan ay ang pagkuha ng fingerprint ng lahat ng botante upang maiwasan ang mga flying voters.
- Latest
- Trending