MANILA, Philippines - Pumanaw na ang may-ari ng bumagsak na pre-need plans na Legacy Group of Companies na si Celso delos Angeles dahil sa sakit na kanser.
Ayon sa report, na-cremate na ang labi ni Angeles sa Loyola Memorial Chapels sa Makati.
Sa kabila nito, desidido naman umano ang libu-libong plan holder ng Legacy na habulin ang asawa at mga anak ni Angeles para sa mga properties na nasa pangalan nila.
Ayon naman kay Public Attorney’s Office (PAO) Atty. Persida Acosta, nawala na ang civil at criminal liability ni Angeles dahil sa kanyang pagkamatay.
Gayunman, puwede pa rin umanong habulin ang misis at anak kung may kinalaman ang mga ito sa naluging negosyo.