^

Bansa

P125 wage hike tinabla ng DOLE

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi umano rasonable para humirit ng P125 na umento sa sahod ang mga grupo ng manggagawa.

Ito ang pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz, na nagsabing batay sa pinakahuling inflation data, lumilitaw na ang pagtaas ng consumer prices ay hindi pa umaabot ng limang porsiyento, kung saan masasabing hindi pa raso­nable ang wage adjustment.

Sinabi ni Baldoz ang ulat ng National Statistics Office (NSO) na nagpapakita na ang inflation rate ngayong Pebrero ay bumagal ng 2.7 percent.

Gayunman, ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang tinukoy lamang ng Kalihim ay ang inflation sa loob ng isang buwan.

Aniya, simula pa noong Hunyo ng nakaraang taon, ang presyo ng 11-kilo liquified petroleum gas (LPG) tank ay tumaas na ng P200.

Matatandaang humihingi ang TUCP ng P90-wage adjustment para sa mga manggagawa sa Metro Manila at iba pang rehiyon.

Gayunman, nagbabala na ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na ang pagtataas ng sahod ay maaaring mangahulugan nang pagsasara ng ilang maliliit na negosyo sa bansa dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga presyo at pagbaba naman ng kanilang kita.

Iginiit naman ni Tanjusay na ang naturang pa­hayag ng ECOP ay isang pagtatangka lamang na i-blackmail ang mga manggagawa.

Paliwanag ni Tanjusay, maaari namang humingi ng exemption ang mga negosyo mula sa wage hike kung talagang hindi nila ito makakayanan.

vuukle comment

ALLAN TANJUSAY

ANIYA

CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GAYUNMAN

METRO MANILA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

TANJUSAY

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with