Mga akusado sa Ortega killing inilagay sa lookout bulletin
MANILA, Philippines – Inilagay na ng Department of Justice sa lookout bulletin ang ilan sa mga akusado sa pagpatay sa mamamahayag sa Palawan na si Dr. Gerry Ortega.
Sa liham na pirmado ni Asst. Chief State Counsel Pastor Benavidez sa abugado ng pamilya Ortega na sina Attys. Alex Avisado at Rose Anne Rosales, kabilang sa mga inilagay sa lookout bulletin sina dating Palawan Gov. Joel Reyes, Coron Palawan Mayor Mario Reyes at dating Palawan Provincial Administrator Romeo Seratubias.
Iyon ay alinsunod na rin umano sa memorandum na may petsang March 13, 2012 at pirmado ni Justice Secretary Leila de Lima kung saan inaatasan nito ang Bureau of Immigration na imonitor ang mga nasabing akusado sakaling ang mga ito ay lumabas ng bansa.?
Hindi naman kasama sa lookout bulletin si dating Marinduque Gov. Jose Carrion dahil hindi siya kasama sa mga inirekomenda na masampahan ng kaso kaugnay sa pagkamatay ni Ortega.
Kamakailan lamang, binago ng DOJ ang rekomendasyon ng naunang panel na nag-imbestiga sa kaso ni Ortega at pinasampahan din ng kasong pagpatay o murder si Reyes.
- Latest
- Trending