^

Bansa

Pagre-repair ng mga hindi sirang kalsada kinuwestiyon

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pagpapaliwanagin ni Senator Koko Pimentel si Public Works Secretary Rogelio Singson kung bakit kailangang i-repair ang mga hindi naman sirang kalsada samantalang ang mga sinira ng mga nakaraang bagyo ay hindi pa isinasailalim sa rehabiltasyon.

Ayon kay Pimentel nakatanggap siya ng maraming reklamo at ulat mula sa mga mamamayan na kumukuwestiyon sa pagre-repair ng mga hindi naman sirang kalye lalo na sa Metro Manila at sa San Luis road sa Pampanga at ilang mga kalye sa Mindanao.

Nagtataka si Pimentel kung bakit kinakailangang sirain at i-repair ang mga hindi naman sira samantalang yong mga kalyeng dinaanan ng bagyo ay hindi inaayos.

Dapat aniyang i-review ng DPWH ang kanilang mga prayoridad at tigilan na ang pag-aaksaya ng pondo ng gobyerno.

Inirereklamo umano ng mga residente ang pagsasaayos ng 300-meter portion ng Sto. Domingo-San Luis-Bahay Pari road na nasa km. 70 malapit sa chapel ng Sta. Monica, San Luis, Pampanga dahil inayos kahit hindi naman sira.

Nakapagtataka aniya na ang mga sirang kalye sa Cagayan de Oro City hanggang  Butuan City via Misamis Oriental na importanteng highway ay napakatagal ng hindi ginagawa.

Pagpapaliwanagin din ni Pimentel si Singson na chairman din ng Road Board, kung paano ginagamit ang multi-billion revenues na nakokolekta mula sa motor vehicle users’ charge o road user’s tax.

BUTUAN CITY

DOMINGO-SAN LUIS-BAHAY PARI

METRO MANILA

MISAMIS ORIENTAL

ORO CITY

PAGPAPALIWANAGIN

PAMPANGA

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with