^

Bansa

Power crisis sa Mindanao hanggang 2014

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na tatagal pa ng dalawang taon o hanggang 2014 ang nararanasang krisis sa kur­yente sa Mindanao dahil sa 2014 pa matatapos ang itinatayong power coal plant sa nasabing lugar.

Ayon kay Deputy Pre­sidential spokesperson Abigail Valte, patuloy na magpapadala ng mga po­wer barges sa Mindanao habang hindi pa natatapos ang power coal plant.

Sinabi rin ni Valte na may mga nakita ng kadahilan ang grupo ni Energy Secretary Jose Almendras sa nangyayaring kakapusan ng kuryente sa Mindanao at hinahanapan na ito ng solusyon.

Ang pagpapadala ng mga power barges sa Mindanao ay pansamantalang solusyon lamang at ang pagtatayo ng mga power plants ang pangmatagalang solusyon.

Nauna rito, pinaiim­bestigahan ni Senator Aqui­lino “Koko” Pimentel sa kinauukulang komite sa Senado ang nangyayaring rotating brownouts sa Mindanao upang mawala ang hinala na articifial lamang o sinasadya ang mga ito.

Naniniwala naman si Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles na isang uri ng pananabotahe ang sanhi ng problema sa supply ng kuryente sa Mindanao.

Paliwanag ng mam­babatas, hindi dapat na dumaranas ang Min­danao ng kakulangan ng kuryente dahil sa marami naman itong maaaring pagkunan tulad ng hydro at iba pang power alternatives.

Dahil dito kaya inindorso sa Kamara ang pagsasagawa ng im­bestigasyon bunsod sa patuloy na blackout sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas. Dapat din umanong matukoy kung ano o sino ang tunay na dahilan ng malawakang blackout na ito.

“If it is found out that the power problem is but an artificial result of sabotage, this is a crime which deserves the harshest of penalties,” ayon pa kay Nograles.

ABIGAIL VALTE

AYON

DAHIL

DAVAO CITY REP

DEPUTY PRE

ENERGY SECRETARY JOSE ALMENDRAS

KARLO ALEXIE NOGRALES

MINDANAO

SENATOR AQUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with