^

Bansa

Mga bagay hinggil sa Pilipino Star Ngayon na madalas n'yong maalala

- Ni Ramon M. Bernardo -

MANILA, Philippines - SA operasyon ng isang pahayagang tulad ng Pili­­pino Star Ngayon, napa­­ kalaki at napakahalaga nang naiaambag ng mga news dealer/agent. Maitutulad sila sa mga sundalong araw-araw na nahaharap sa la­­rangan ng bakbakan o la­­ banan. Kung baga, sila ang nasa frontline. Sila ang direktang naghahatid ng mga kop­ya ng PSN sa mga mambabasa nito. Sila ang behikulo sa paglaganap ng pahayagang ito sa buong bansa, mula Aparri hanggang Jolo. May 26 na taon na silang kasama, kaagapay, kabalikat, kapa­milya, kapuso at kapa­tid ng pamunuan at staff ng PSN. Magkakapit-bisig sa hirap man o ginhawa, umulan man o umaraw, bumagyo man o sa panahon ng tagtuyot, araw-araw, gabi-gabi. Sa okasyon ng pagdiriwang ngayon ng ika-26 na anibersaryo ng Pilipino Star Ngayon, kabilang ang mga sumusunod na dealer/agent/distributor ang nagparating ng kanilang mensahe: (Sundan sa pahina 32)

Herminda Valeriano, 47

Bulacan dealer mula noong 1986

Sa loob ng 26 na taon ng Pilipino Star Ngayon, tanging pasasalamat ang aking nararamdaman sa­pagkat ang pahayagang ito ay mahaba at masali­muot ang nilakbay. 

Ang akin pang naaalala kung paano kami lahat nagsimula. Masaya ngunit mahirap. Dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga ng bawat isa, na-ging kaagapay na­min ito sa tagumpay na na­rating ng pahayagang ito at sa pagkaka-ibigan na nabuo rito.

Nelia Partoza, 58,

Babaw Print Distributors

Area of Distribution:

Davao City, General Santos City, Cotabato City,

Davao del Norte, Davao Oriental, at Compostela Valley

26 taon sa distribution ng PSN

Ang Pilipino Star Ngayon ang pahayagan na gina-gamit ng mga mag-aaral dahil sa mga nilalaman nito. Naka­katulong sa kanilang leksyon at mga aralin.

Ang nilalaman nito ay iba-iba at kapakipakinabang. Ma­­ga­galing at madaling maintindihan ang mga manunulat dito pati na ang mga kolumnista ay pawang kapani-pa­niwala.

Estrella Capitan, 66

Area ng Distribution:

Iligan, Marawi City, Lanao del Norte,

Misamis Oriental

26 years as distributor

Ang pagdi-“dealer” ko sa Pilipino Star Ngayon ay nagbigay sa akin ng oportunidad na palawakin ang    aking negosyo at tuloy ay lagi akong nakakabalita ng mga nangyayari sa negosyo, pulitika at showbiz. Sa nakahandang impormasyong yan, ibi­nabahagi ko sa aking mga kliyente ito tuwing nagbebenta ako ng Pilipino Star Ngayon. Maganda ang negosyo at    kapwa kapaki-pakinabang sa publi-sher at sa dealer. Kapwa sila kumikita.

Villamero Tyhico, 56

Area ng Distribution:

Ipil, Basilan, Zamboanga City

26 taon nang PSN distributor

Ang masasabi ko tung­ kol sa pahayagan ng Pilipino Star Ngayon, mula nang ako’y maging ahente simula noong 1980 hanggang sa kasalukuyan, 2012, napakaganda ng nangyari sa buhay ko. Bukod sa kumita po ako, ang mahalaga rin pala na makatulong sa kapwa ko Pilipino. Na makapagbigay ng hanapbuhay lalo na sa mga batang hindi nakatapos sa kanilang pag-aaral. Nag­la­ lako sila sa pamama­gitan ng diyaryong ito ay nakapagtapos sila. Ma­ laking tulong talaga at ako’y nasiyahan. At ang pina­kamahala­ga ay iyong mga staff sa pahayagang ito lalo na sa President/CEO, si Mr. Mi­­guel Belmonte, na la­­­ging nandiyan na su­ musuporta at laging umu­unawa sa aming pagkukulang. At sana ay dinggin ang aming dasal na bigyan sila ng lakas ng Panginoon upang patuloy na masubaybayan ang mga taong nasa likod nito. Sa lahat ng staff, more power. And God Bless Mabuhay tayong lahat. Kaya “Pilipino Star Nga­­yon” na tayo at ipagpapatuloy ko ang aking nasimulan. Dahil sa PSN na napaka-“in­ formative” at madaling maintindihan ng kap­wa Pilipino. Mara­mi ta­yong malalaman at kumikita pa. At sana hindi tayo mawalan ng pag-asa. Aahon din tayo sa kahirapan basta’t magtulungan tayo. Hi­ling ko sana may mga benefits tayong matatanggap na maibibigay sa mga naglalako. Iyong naghihirap di ba.

Neil I. Candelario, 36

Area of distribution:

Aklan, Boracay Island at Antique

Nagsimulang distributor ng PSN

may 26 taon na ang nakakaraan

Bilang isang pro­vincial dealer, ang hindi namin malilimu­tan at ang pinakama­gandang bagay na nangyari sa amin ng pahayagang PSN ay: Una, noong nagkaroon ng magandang pa-“raffle” ang PSN sa buong Pilipinas. Doon po lalong lumakas ang sales ng ating pahayagan lalo na po nang may na­nalo ng first rize dito sa aming probinsiya na isang jeep. Pangalawa, noong nagkaroon ng hindi magandang pangyayari rito sa aming probinsiya. Nang sumapit po ang Typhoon Frank na sumalanta sa aming bayan. 

Ang Pilipino Star Ngayon at ang Philippine Star ang pinakanaunang mga pahayagan o kumpanya na tumulong sa amin at ating mga newsboy na talagang apektado ng sakuna. Masayang pagbati po sa ika-26 na taon ng Pilipino Star Ngayon!!!

Virgilio Thelmo, 55

Area of Distribution: Leyte, Samar

Distributor ng PSN

mula pa noong 1986. May 26 taon na.

Balanse ang mga balita sa Pilipino Star Ngayon mula pa lang nang magsimula ito noong 1986. Sana, ibalik ang Trivia contest ng PSN for more sales.

Ramon Sia

Naga City Dealer

Nang mag­s­imu­la ka­ming magdiyaryo nu­ ong taong 1994. Med­yo nasa ka­lagit­na­ an lang ang nabebenta naming kop­ya ng Pili­pino Star NGAYON.

Madalas noon mag­­­­­­­kampanya sina Mr. Deng Lopez (Vice Pre-sident-Circulation) at Lito Sala (Cir­­culation Manager) sa aming lugar kaya dahil sa sipag at tiyaga nila, ang Pilipino Star NGAYON na ang pinakamabiling tabloid sa aming lugar simula noong sampung taon na ang nakaraan hang­gang sa ngayon.

Ako ay masyadong natutuwa dahil sa hindi lang maganda ang kopya niya. Ito ay dahil sa napakagandang paraan nila sa accounting  system. Kaya, ni minsan, hindi ako nagkaroon ng problema sa bayaran at puwera rito marami pa ako, at ang mga newsboy ko, na nakukuhang benepisyo galing sa kanila.

Eduardo Ty, 63

Area of Distribution: Iloilo

21 taon nang PSN distributor

 Ang pinakagusto  ko sa PSN ay ang na­­paka-creative na writers. Iyong balita na si­nusulat nila, hindi ga­nun ka-stressful ba­ sahin kung ikukum­pa­ra ito sa ibang diyaryo na mas­yadong mabi­gat ang pagkakasulat. Ma­da­li lang basahin at in­ tin­dihin ang mga ba­lita. Hindi ko makakalimutan ang PSN da­ hil ito ang unang tinitingnan ko kapag ia-“update” ko ang sarili ko sa basketball at sa kung anong sports. Mala­wak ang balita sa sports. Lalo na pagkatapos ng laban ni Pacquiao kung saan ang dami talagang bumibili.

vuukle comment

AREA OF DISTRIBUTION

NGAYON

PILIPINO

PILIPINO STAR NGAYON

PSN

SHY

STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with