^

Bansa

Handog sa mga OFWs PSN sa iPAD, libre

- Jhi D. Gopez -

MANILA, Philippines - Sa loob lang ng ilang buwan, mabilis ang naging pagbabago sa Pilipino Star NGAYON (PSN) at PM (ang sister publication ng PSN) application o app sa iPad at kahit anong Android phone o tablet. May sarili na itong app at libre pa ngayon!

Mula sa ordinaryong pagbabasa sa Press Reader app sa iPad, may direkta na ngayong app ang PSN at PM sa iTunes. Hindi na mahihirapan ang mga suking mambabasa, hindi pa maoobligang gumastos.

Nagsimula lang noong Nov. 18, 2011 ang tablet edition ng dalawang magkapatid na tabloid sa iPad/Android gadgets pero ngayong ika-26 anibersaryo ng pahayagang ito ay pormal nang inaanunsiyo ang sariling PSN at PM app. Isang handog para sa mga masugid na tumatangkilik lalo na sa mga kababayang nasa abroad!

“Buong puso naming hinahahandog ito sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi na nila kailangang maghanap sa news stands para makabasa ng diyaryo dahil kahit saan maaari na silang maging updated,” sabi ni Mr. Al G. Pedroche, editior-in-chief.

At buong pagmamalaki rin niyang sinabi na ang PSN at PM ang kauna-unahang tabloid na nagkaroon ng sariling app sa iPad/Android devices. Para na ring may virtual replica ng buong diyaryo sa gadget na hawak-hawak ’di ba?

“Ang maganda pa rito ngayon, puwede mo nang i-share, i-save, i-search, at i-post sa mga social networking sites ang gusto mong pahina, kahit buong diyaryo pa, at kahit ilang issue,” dagdag pa ni Sir Al.

Ang pinaka-binabasang section ay ang Entertainment at Sports. Ito ang patok hanapin sa Internet kung walang hawak na tradisyonal na diyaryo. At karamihan ng mga nagbabasa nito ay ang mga kababayang nagtatrabaho sa abroad.

Kung dati nga na may bayad ang subscription ng app ay marami nang nagbabasa, ano pa kaya ngayong libreng-libre na ang sariling app? At siyempre hindi na kailangang dumaan pa sa www.philstar.com para makita ang mga paboritong babasahin sa Star Group of Publications.

“Ini-expect natin na daan-daang libong kababayan natin na mga naho-homesick ang mas matutuwang magbasa ngayon,” sabi ni Sir Al.  

vuukle comment

APP

BUONG

MR. AL G

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINO STAR

PRESS READER

SIR AL

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with