^

Bansa

Paghati ng Camarines Sur aprub na

Nina - Butch Quejada/Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sigurado na umanong maipapatupad ang pag­hahati ng lalawigan ng Camarines Sur.

Sa pagdinig ng Se­ nate committee on local government na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, tiniyak ng mga Kongresista na wala nang magiging sagabal pa para sa implementasyon sa panukalang hatiin ang lalawigan at itatag ang province of Nueva Camarines.

Ikinatwiran ni Camarines Sur Cong. Arnulfo Fuentebella na suportado sila ng mayorya ng local leaders sa lalawigan.

Tinukoy nito na sa 5 kongresista, 4 na kongresista ang sumusuporta sa panukala, 23 mayors sa kabuuang bilang na 36 mayors, 195 coun­cilors gayundin mayorya ng mga barangay officials

Patunay lamang aniya ang pagdalo ng mga local leaders sa isinaga­wang pagdinig bilang pag­ suporta sa panukala.

Ang pagdinig ng ko­mite ay alinsunod na rin sa House Bill no. 4820 na lumilika ng Nueva Camarines.

Katwiran pa nito na na­kapag-comply na rin sila sa kinakailangang re­quirements sa ilalim ng local government code gayundin sa itinatadhana ng konstitusyon para sa paglikha ng panibagong lalawigan

Sinabi pa ng Kongre­sista na ang Nueva Camarines ay kikilalanin bilang first class province na kung saan tinitiyak na magkakaroon ng napa­ka­ laking income ang lilik­ haing lalawigan.

Ikinatwiran naman ni 3rd district Camarines Cong. Luis Villafuerte na tunay ngang napakahirap i-manage ang napakalaking lalawigan kaya’t makatwiran lamang ang nasabing mungkahi.

Sa panig naman ng Comelec, tiniyak nito na may nakalaang silang pondo sakaling magkaroon ng special election o plebesito sa paghahati ng Camsur. Kukunin ang pondo­ mula sa savings na nakalaan sa ipinag-palibang ARMM elections.

Una rito, nagkasagu­tan ang mag-amang Cong. Villafuerte at Camarines Sur Gov. Elray Villafuerte kaugnay sa panukalang paghahati ng kanilang pro­binsiya.

Hindi pabor si Gov. Villafuerte sa isinusulong ng kaniyang ama na hatiin ang Camarines Sur at magbuo ng isa pang probinsiya.

ARNULFO FUENTEBELLA

BONGBONG MARCOS

CAMARINES

CAMARINES CONG

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR CONG

CAMARINES SUR GOV

ELRAY VILLAFUERTE

NUEVA CAMARINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with