MANILA, Philippines - Tatlong tripulanteng Pinoy ang umano’y dinukot ng ilang kasapi ng isang tribu sa Yemen.
Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs ang ulat mula sa Interior Ministry ng Yemen na hawak ngayon ng mga tribung Yemeni ang tatlong Pinoy.
Isa umano sa mga demand ng mga kidnaper ang pagpapalaya ng mga awtoridad sa isang kasamahan ng naturang tribu na nakakulong sa Sanaa jail.
Base sa report, dinukot ang tatlong Pinoy noong Martes sa central province ng Marib matapos magtungo sa Mahrah province kung saan dito nakadaong ang kanilang barko.
Ang mga kidnaper ay mula umano sa Bani Jabr tribe at hinihiling sa Yemen government na palalayain lamang ang mga biktima kung pakakawalan ang kanilang kasama na nakapiit sa Sanaa jail dahil sa kasong kriminal.