Hatol kay Corona sa Hunyo na

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Se­nate President Juan Ponce Enrile na matatapos ang impeachment trial­ at ma­kakapagpalabas sila ng de­sisyon laban kay Chief Justice Re­nato Corona bago su­mapit ang Hunyo 7, 2012 o mas maaga pa.

Pansamantalang magbabakasyon ang impeachment court mula ngayon, Marso 23 hanggang Mayo 6, kasabay ang Lenten break ng Kongreso.

Magbabalik ang ses­yon sa Mayo 7 hanggang Hunyo 7 kung saan inaasahang matatapos na ang impeachment trial ni Corona.

Ipinahiwatig ni Enrile na natantiya na niya kung ilang panahon na lamang ang itatagal para sa pagpiprisinta ng depensa ng kanilang mga testigo at ebidensiya.

Sapat na umano ang ibinigay niyang isang buwan para matapos ang paghaharap ng 25 testigo ng depensa.

Hindi rin umano gugugol ng mahabang panahon ang rebuttal dahil hindi naman kinakaila­ngang muling iprisinta ang buong kaso.

Hindi na rin umano kailangang mag-break ng ilang araw ang impeachment court at magpapa­labas agad ng desisyon pagkatapos ng trial.

Show comments