^

Bansa

Bank accounts ng mga tax evaders puwede ng silipin

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon kahapon ng ilang senador ang isang memorandum of agreement (MOA) kung saan maaari ng masilip ang deposito sa bangko ng mga pinaghihinalaang tax evaders.

Sa pagdinig ng Senate Bill No. 3009 kaugnay sa planong pag-amiyenda ng Anti-Money Laundering Act (AMLA), kinuwestiyon ni Sen. Joker Arroyo ang nasabing MOA  dahil sa posibilidad na may nalalabag itong batas.

Pinaiimbestigahan ni Arroyo sa Senado ang nasabing MOA dahil hindi naman umano sakop ng kapangyarihan ng AMLC ang paghabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

Ang MOA ay nilagdaan nina AMLC Executive Director Vicente Aquino at BIR Commissioner Kim Henares.

Nakasaad dito na magtutulungan ang dalawang ahensiya ng gobyerno para sa paghabol ng mga tax evaders sa ilalim ng programang RATE o Run After Tax Evaders ng BIR.

Tiniyak ni Sen. Teofisto Guingona III na iimbestigahan ng oversight committee ang kontrobersyal na MOA.

Hindi naman naipasa ng Senado ang panukala na naglalayong maami­yendahan ang AMLA na siyang hinihingi ng Financial Action Task Force (FATF) upang hindi ma-blacklist ang Pilipinas.

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

COMMISSIONER KIM HENARES

EXECUTIVE DIRECTOR VICENTE AQUINO

FINANCIAL ACTION TASK FORCE

JOKER ARROYO

KINUWESTIYON

RUN AFTER TAX EVADERS

SENADO

SENATE BILL NO

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with