^

Bansa

Polluters sa Taal Lake bilang na araw

- Butch M. Quejada -

 MANILA, Philippines – Bilang na ang araw ng mga polluters sa Taal Lake matapos ipag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra sa pagtatapon ng basura at maruming tubig sa lawa.

Ayon kay Laudemir Salac, hepe ng Batangas Provincial Environment and Natural Resources Office, babantayang mabuti ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga naglalakihang subdivisions at resorts, lalo na ang mga babuyan o piggeries na nagtatapon umano ng maruming tubig sa mga ilog at sapa na tumutuloy sa lawa ng Taal.

Tinitingnan din ng Task Force Taal Lake na pinamumunuan ni Batangas Provincial Administrator Victor Reyes, ang kawalan ng sewerage system sa mga bayang nakapaligid sa lawa. Ang basura at maruming tubig mula sa mga industriya, kabahayan at babuyan ay ilan lamang sa mga tinitingnang sanhi ng naganap na malawakang fish kill sa Taal Lake nung nakaraang taon.

Nangako ng kooperasyon ang mga may-ari ng halos 6,000 fish cages sa lawa na handa silang makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang maiwasan ang fish kill na ibinibintang sa kanila.

Ayon kay Rodrigo Cacao, pangulo ng Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. (TLAAI), handa rin silang ban­tayan ang kanilang hanay kontra sa mapanirang fish farming methods na umano’y ginagawa ng ilang dayuhan sa kanilang lugar. Sinabi niya na ang naganap na fish kill noong nakaraang taon ay mula sa mga illegal fish cages na umano’y pag-aari ng mga dayuhang Intsik.

AYON

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL ADMINISTRATOR VICTOR REYES

BATANGAS PROVINCIAL ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

LAUDEMIR SALAC

RODRIGO CACAO

TAAL LAKE

TAAL LAKE AQUACULTURE ALLIANCE

TASK FORCE TAAL LAKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with