^

Bansa

Sunog sa Grand Central fireout na

- Ni Lordeth Bonilla/Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Matapos ideklarang fireout, nagsagawa ng inspeksiyon si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa loob at paligid na nasunog na Ever Gotesco Grand Central Mall kasama ng mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Echiveri, nagkalat ang mga bakal sa loob ng Grand Central at nakahambalang din ang iba pang gamit na siyang naging epekto ng naganap na sunog kung saan ay idineklara lamang itong fire out bandang alas 7:25 ng umaga.

Inikot din ni Echiverri ang mga residenteng naninirahan sa paligid ng mall at pinaalalahanan ang mga ito na maging alerto sa kanilang paligid.

Hinarap din ni Echiverri ang mga stall owner na may puwesto sa loob ng mall at sinabihan na huwag piliting makapasok sa loob ng Grand Central dahil sa ngayon ay delikado pa rin ang magtagal sa loob ng nasunog na establi­simyento.

Pangungunahan ng DILG Inter Agency Anti-Arson Task Force (IATF) ang malalimang imbestigasyon sa sunog na tutukoy sa tunay na dahilan kung bakit tumagal ng halos 30 oras ang nasabing sunog.

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERI

ECHIVERRI

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL MALL

GRAND CENTRAL

HINARAP

INTER AGENCY ANTI-ARSON TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with