^

Bansa

Viagra nangunguna sa mga pinepekeng gamot

-

MANILA, Philippines - Nangunguna umano sa mga pinepekeng gamot ngayon sa bansa ang sildenafil citrate o Viagra, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi  ni FDA Director Suzette Lazo sa pagdinig ng Quality Affordable Medicine Oversight Committee ng Senado na pinamumunuan ni Senator Manny Villar na hindi lamang ang mga gamot sa asthma, hypertension at vitamins ang pinepeke kundi maging ang Viagra na pinaniniwalaang ma­lakas ang demand sa mga kalalakihan.

Maging ang steroids umano ay kabilang na rin sa mga pinepekeng gamot.

Ayon pa kay Lazo, hindi madaling makita o mapuna na peke ang nabibiling Viagra dahil sa ginagamit na advance na teknolohiya sa pamemeke  kaya halos walang pinagka-iba sa orihinal.

Madali na umanong magawa ang labas o lalag­yan ng gamot ma­liban na lamang sa laman.

Kaugnay nito, sinabi ni Villar na panahon na upang amiyendahan ang batas tungkol sa pamemeke ng gamot upang mas maitaas ang parusa.

Ayon sa senador, maliwanag na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga taong gumagamit ng pekeng gamot.

AYON

DIRECTOR SUZETTE LAZO

DRUG ADMINISTRATION

GAMOT

KAUGNAY

LAZO

QUALITY AFFORDABLE MEDICINE OVERSIGHT COMMITTEE

SENATOR MANNY VILLAR

VIAGRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with