^

Bansa

Graft vs Pasay mayor, vice, 14 pa

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman sina Pasay City Mayor Antonio G. Calixto, Vice Mayor Marlon A. Pesebre at 14 konsehal bunsod ng umano’y maanomalyang pagpapaupa sa Pasay City Mall.

Ayon sa complainant na si Pamela Ann Paredes-Bautista ng #415 Inocencio St., Pasay City, inapura umano ng Sangguniang Panlungsod ang proseso upang agad na maigawad ang kontrata ng pagpapaupa sa Pasay City Mall sa Widescope Property Management Corp. Ang nasabing pro­seso ay umabot lamang ng 12 araw at wala rin daw nangyaring public bidding.

Dagdag pa complainant, naging “disadvantageous” sa pamahalaang panlungsod ang nasabing pagpapaupa dahil sa nakaraang mga taon, ang Pasay City Mall ay kumikita ng mahigit P2 milyon kada buwan.

Habang ang lease contract sa Widescope ay P900,000 lamang kada buwan sa loob ng 15 taon. Ito ay magbibigay lamang ng kabuuang P13,500,000 sa pamahalaang lungsod.

Ang kasalukuyang kon­ trata ay “manifestly and grossly disadvantageous” sa Pasay City Government na maaaring malugi ng P1,100,000 kada buwan o umaabot sa P16,500,000 sa loob ng 15 taon.

Hiniling ng complainant na agad mapatawan ng preventive suspension ang nasabing mga opis­yal ng lungsod.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

INOCENCIO ST.

MAYOR ANTONIO G

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PAMELA ANN PAREDES-BAUTISTA

PASAY C

PASAY CITY

PASAY CITY GOVERNMENT

PASAY CITY MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with