Gov. Singson 'kampi' sa Abaya bill
MANILA, Philippines - Matapos na mapaulat na si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ay nagbibigay ng suporta sa Abaya bill o ang House Bill 5727 kayat nakipagpulong ang miyembro ng Northern Luzon Alliance (NLA) kamakalawa ng gabi sa gobernador upang linawin nito ang kanyang posisyon at pag-usapan ang collective position kaugnay sa nasabing panukala.
Matatandaan na ang Abaya bill ay naglalayon na baguhin ang umiiral na four-tiered excise tax system sa single tier system, na nagdadagdag ng P30 kada pakete sa mga produktong tabako sa loob ng tatlong taon matapos ang implementasyon nito.
Ayon kay La Union Rep. Victor Ortega at kilalang miyembro ng NLA, kinikilala nito ang pangangailangan na itaas ang singil sa excise tax sa mga produktong tabako, subalit naniniwala ito na anumang adjustment ay dapat dahan-dahan lamang at resonable.
Nangangamba naman si Ortega na ang pagpapatupad ng sobrang taas sa singil ng buwis ay maaring magresulta sa pagkalugi ng industriya ng tabako sa bansa.
Kapwa parehong sinabi ng NLA at ni Singson na “while there is a need to increase taxes, any changes in the current excise tax system should reflect a sound balance between the government’s need for increased revenues and the need to protect local industries and other stakeholders.”
- Latest
- Trending