Pinas mag-aangkat na ng bigas - DA
MANILA, Philippines - Binabalak na ng pamahalaan na mag-angkat ng may 120,000 metric tons ng bigas sa ibayong dagat.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, kinokonsidera ngayon ng ahensiya na mag-import ng 120,000 metriko tonelada ng bigas mula sa abroad sa ilalim ng government–to-government contract para mapunan ang shortfall sa private sector importation program.
Ang unang plano ay pinayagan ang private sector na mag-import ng kabuuang 500,000-metric tons bilang buffer requirement para sa taong 2012.
Una rito, sinabi ng National Food Authority (NFA) na takda itong mag-bid ng may 380,000 lamang na metric tons ng bigas ngayong buwan na hahatiin mula sa mga farmers’ cooperatives at commercial rice traders.
Gayunman, nilinaw ng DA na sapat naman ang suplay ng bigas sa bansa at hindi pa kinukulang ang pamahalaan para sa pangangailangan ng taumbayan.
- Latest
- Trending