MANILA, Philippines - Balak ni Senator Loren Legarda na gawing consultant ang nagbitiw na supervising undersecretary ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Graciano Yumul upang mapakinabangan pa rin ng gobyerno ang talento at kakayahan nito.
Nagretiro si Yumul noong Marso 12 matapos ang 28 taong serbisyo sa gobyerno.
Ayon kay Legarda, chairman ng Senate committee on Climate Change, magiging asset ng kaniyang komite si Yumul kung papayag itong maging consultant.
Naging kontrobersiyal ang pagbibtiiw sa tungkulin ni Yumul noong Marso 12 dahil sa hinalang may bahid ito ng pulitika.
Nanghihinayang si Legarda kung tuluyang mawawala sa gobyerno si Yumul.