^

Bansa

Vicente, credible

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang ilang senador na nagsasabi ng totoo ang testigo ng depensa na si Demetrio Vicente, ang pinsan ni impeached Chief Justice Renato Corona na sinasabing nakabili ng pitong lupa ng asawa ng chief  justice sa Marikina City noong 1990 sa halagang P509,985.

Sa magkahiwalay na panayam, sinabi nina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Sergio Osmeña na sa kanilang palagay ay isang “credible witness” si Vicente.

Nagbiro pa si Osmeña na pareho silang mahilig sa bonsai ni Vicente kaya ito naging credible na testigo.

Ayon naman kay Lacson, spontaneous ang mga sagot ni Vicente hindi lamang sa mga abogado ng depensa at prosekusyon kundi ma­ging sa tanong ng mga senador na nagpapatunay umano na totoo ang mga sinasabi nito.

Pero idinagdag din ni Lacson na may mga butas din ang sagot ni Vicente kaya ire-review ulit niya ang transcript ng testimonya ng nasabing testigo.

Sinabi rin ni Osmeña, nagtanong siya sa ilan niyang mga kaibigan na nakatira sa Marikina at kinumpirma ng mga ito na nakapunta na sila sa bahay ni Vicente at sa taniman nito ng bonsai.

May kabuuang 1,700 square meters ang lupa ni Vicente na nabili kay Mrs. Corona pero hanggang ngayon ay hindi pa naipapalipat sa kaniyang pangalan, bukod pa sa kalapit na lupain na nabili rin niya sa isang Miriam Roco.

Ayon pa kay Osmeña, si Vicente ay itinuturing na isa sa pinakamala­king bonsai collection at kilalang bonsai artist sa bansa.

Posible rin umano na dahil sa katamaran at sa mahabang proseso kaya hindi pa ipinapapalipat ni Vicente sa kaniyang pa­ngalan ang nabiling lupa kay Cristina Corona.

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CRISTINA CORONA

DEMETRIO VICENTE

LACSON

MARIKINA CITY

MIRIAM ROCO

OSME

VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with