^

Bansa

DENR chief hiling sibakin sa Mining Act

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Kinondena ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang pagiging iresponsable umano ni Department of Environment and Natural Resouces Sec. Ramon Paje na isinuko ang kanyang kapangyarihan na ipatupad ang Philippine Mining Act of 1995 sa ordinansang ipinatutupad ng local government units (LGUs).

Ayon kay 4K chairman Dominador Pena, kataka-taka ang mga aksiyon ni Paje na pumapayag na mamayani ang mga ordinansang ipinatutupad sa kapritso lamang ng LGUs na lumalaktaw sa Mining Act na dapat niyang estriktong ipinatutupad sa buong bansa.

Naunang pinuna ni dating pangulong Fidel V. Ramos sa kanyang pagdalo sa 1st Philippines-Australia-New Zealand Business Forum sa Makati City kamakailan na inaabuso ng LGUs ang kanilang poder sa pagpapasa ng mga ordinansang kontra at nakagugulo sa mga pambansang batas.

Inihalimbawa ni FVR ang $5.9-B Tampa­kan gold-copper project na kauna-unahang isinailalim sa Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) at magkakaloob sa gobyerno ng mahigit 70 porsiyentong bahagi sa kita at buwis pero hindi nabigyan ng environmental compliance certificate (ECC) ng DENR dahil sa ordinansang ipinasa sa South Cotabato bago mag-eleksiyon noong 2010 na nagbabawal sa open-pit mining.

Hiniling din ng grupo kay Paje na magbitiw na lamang sa tungkulin kung hindi niya kayang ipatupad ang Mining Act na kung maipaiiral lamang nang maayos ay walang magiging pagtatalo ang iba’t ibang sektor sa industriya ng pagmimina.

B TAMPA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL

DOMINADOR PENA

FIDEL V

FINANCIAL AND TECHNICAL ASSISTANCE AGREEMENT

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

MAKATI CITY

MINING ACT

PAJE

PHILIPPINE MINING ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with