Sahod, benepisyo ni Corona sa SC umabot ng P21.6 M

MANILA, Philippines - Umabot sa P21.6 mil­yon ang sahod at mga benepisyong natanggap ni impeached Chief Justice Renato Corona sa pagsisilbi nito sa Supreme Court mula 2002 hanggang 2011.

Iniharap kahapon ng depensa bilang panga­lawa sa kanilang testigo si Araceli Bayuga, chief judicial staff officer of the Supreme Court’s Cash, Collections and Disbursement Division.

 Ayon kay Bayuga, ang sahod, allowances, at benepisyong natanggap ni Corona mula 2002 hanggang 2011 ay umaabot sa P21,636,781.45.

Ang kabuuang sahod umano ni Corona sa loob ng 10 taon ayon kay Bayuga ay umaabot sa P5,872.859.82.

Nang tanungin ni de­fense lead counsel Se­rafin Cuevas kung saan nanggaling ang ka­buuang P21, 636, 781.45, sinabi ni Bayuga kasama na dito ang lahat ng mga benepisyo at iba’t ibang bonus.

Kabilang sa mga benepisyong natatanggap ni Corona ay ang tinatawag na PERA, longevity pay, monthly special allowance, representation allowance, transportation allowance, extra ordinary miscellaneous allowance, additional cost of living allowance, productivity incentive benefit, clothing allowance, year-end bonus and cash gift loyalty, cash awards, at ang  extra ordinary miscellaneous mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nakakatanggap din si Corona ng rice allowance, emergency economic assistance, anniversary bonus, Christmas cash gifts, additional cash gifts, at groceries.

Sinabi ni Bayuga na nagsagawa siya ng evaluation sa lahat ng mga benepisyo at sahod na natanggap ni Corona sa nakaraang 10 taon.

May kinalaman sa Article 2 na tungkol sa statement of assets, liabilities and net worth ni Corona ang pagharap kay Bayuga.

Show comments