^

Bansa

Smuggling ng yosi magpapatuloy kahit may unitary tax system - Rep. Abaya

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kahit na maipatupad ang panukalang “unitary tax system” sa mga produktong tabako at alak, magpapatuloy pa rin ang smuggling ng sigaril­yo sa bansa.

Paliwanag ni Cavite Rep. Joseph Emilio Aba­ya, pangunahing may akda ng House Bill 5725, kasabay ng posibleng paglaganap ng smuggling ng sigaril­yo sa bansa kaya’t mas makabubuti umanong alertuhin na rin ang Bureau of Customs (BOC). 

Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa  napaunang lumabas sa mga pahayagan kung ano ang magiging resulta ng HB 5727 sa smuggling activities at sa napaulat na rin na  isang kongresista ang nananabako ng kulay itim na sigarilyo na P28.00 lamang ang halaga ng kaha dahil ito ay ipinuslit mula sa Indonesia.

Ang naturang kongresista umano ay kabilang sa listahan ng 50 pinakamayaman na miyembro ng Kamara.

Inamin din ni Abaya na may dahilan upang maalarma ang mga local cigarette manufactu­rers at dealers tungkol sa laganap na pagpupuslit dahil sa posibleng pagkalugi ng kanilang mga produkto.

Matatandaan na una nang ibinunyag ni Blake Clinton Dy, vice president ng Associated Anglo-American Tobacco Corporation, na naglipana ang mga smuggled cigarettes sa bansa mula sa Indonesia, Thailand at Vietnam na aniya’y idinadaan sa Mindanao particular sa Sulu, Zamboanga at Tawi-Tawi.

Binatikos din ni Dy si Finance Secretary Cesar Purisima sa pagsasabing mabubura at tuluyan nang masusugpo ang pagpupuslit ng sigarilyo kapag naipatupad ang Abaya bill o ang HB 5727.   

ABAYA

ASSOCIATED ANGLO-AMERICAN TOBACCO CORPORATION

BINATIKOS

BLAKE CLINTON DY

BUREAU OF CUSTOMS

CAVITE REP

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

HOUSE BILL

INAMIN

JOSEPH EMILIO ABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with