^

Bansa

Hukom sa Maguindanao masaker nag-walk out

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nag-walk out kahapon sa court room  si QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Reyes na  may hawak ng Maguindanao masaker case  matapos magtalo ang  abogado ng depensa at prosekusyon dahil sa isyu ng paglilipat sa principal suspek sa kaso na si Andal Ampatuan Sr. mula Taguig City  patungo sa Quezon City hospital.

Sinasabing nairita umano si Judge Reyes sa pag­sasagutan nina private prosecutor Harry Roque at Gregorio Narvasa, abogado ng Ampatuan, na nagtalo sa kanyang harapan kahapon kaya ito nag-walk out.

Umalis ng court room si Judge Reyes matapos pakiusapan ang dalawang abogado na kumalma at babalik lamang siya kapag natapos na ang pagtatalo ng dalawa.

Nag-ugat  ang pagtatalo nang maghain ng urgent motion sa korte ang  Fortun Narvasa and Salazar Law Office noong  March 9 para payagang mailipat si Ampatuan Sr. sa  Armed Forces of the Philippines Medical Center sa  V. Luna Road, Quezon City mula sa kanyang piitan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sinisi ni Roque si Narvasa at iba pang abogado ng Ampatuan dahil sa ginawang paglipat ng pagamutan ni Ampatuan na wala aniyang pahintulot kay Judge  Reyes.

Nakipagtalo si Roque na ang kanyang law office, umano ang may gusto at hindi ang Bureau of Jail Management and Penology, na mailipat ang akusado sa medical center na pilit namang itinatanggi ni Narvasa. 

Samantala, nilagyan ng ‘mechanical ventilator’ si Andal Sr. upang lumuwag na ang paghinga nito, ayon sa AFP.  

vuukle comment

AMPATUAN

AMPATUAN SR.

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL SR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES MEDICAL CENTER

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

JUDGE REYES

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with