^

Bansa

'555' bawal na - DOLE

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang “555” o pagre-renew ng  kontrata ng isang empleyado kada limang  buwan.

Sa ilalim ng Department  Order 18-A na ipinaprubahan noong Nobyembre 2011, inoobliga na ang mga sub contractor na gawing regular ang kanilang mga empleyado na matagal nang nagtatrabaho subalit dumaan lamang sa renewal.

Ayon kay DOLE USec. Rebecca Chato, karapatan na ng mga empleyado na makatanggap ng regular na sahod, incentive leave at security of tenure mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Wala naman umanong pinag-iba ang mga sub-contractor sa mga direct employer kung kaya’t dapat lamang na ibigay ang karapatan ng mga empleyado.

Isa umano sa mga requirements ng DOLE upang makapagparehistro ang sub-contractor ay ang pagkakaroon ng  capitalization. Ito ang siyang magiging puhunan  para sa pagpapasahod sa mga manggagawa.

Lumilitaw sa record  ng sub-con na 1,442 construction at 1,848 security ang lumabag noong 2011

Tiniyak naman ni Ed lacson, pangulo ng Employees Confederation of the Philippines na suportado nila ang  desisyon ng DOLE, dahil hindi lamang ang mga employees ang protektado nito kundi maging silang mga employer.

Ito na din ang daan upang masawata ang fly-by-night sub-contracting at maging legal at professional ang sub-contracting.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYEES CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

ISA

LUMILITAW

MAHIGPIT

REBECCA CHATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with