^

Bansa

Pinas baka mabura sa mapa

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nangangamba si Kasangga party list Rep.Ted Haresco na puwedeng maabo ang Pilipinas at mabura sa mapa ng mundo kapag totohanin ng China ang pahayag nito na sisiguruhin na mananalo sa mga “local wars” kaya tinaasan nila ng pondo ang militar.

Sinabi ni Haresco, dahil walang pondo o kulang ito dapat baguhin ng Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs(DFA) ang mga defense pact na pinasok ng mga ito para masiguro na tutulungan ang Pilipinas oras na nagkaroon ng giyera.

Ang China ay isa sa mga bansa na umaangkin sa Spratly islands, na mayaman sa langis.

‘With its claim to parts of the West Philippine Sea and the Spratly Islands, these could presumably be one of those local wars Beijing is referring to,” sabi ni Haresco.

Ayon kay Haresco, ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos ay hindi nangangahulugan na tutulungan tayo nito kapag nagkaroon ng giyera.

“The US would have to seek Congressional approval before committing forces. In that time it could all be over, we simply don’t have the resources to engage in one.” ani Haresco.

Ipinaliwanag ni Haresco ang Amerika ay pumasok  sa kasunduan sa Australia at iba pang Southeast Asian countries. “These are more comprehensive than what they allocate to us.”

Sinabi pa ni Haresco, sa Taiwan ang inilaan ng Amerika sa Thailand ay $6 bilyon para sa 2010. Ngayon taon ang inilaan ng US na tulong militar sa Pilipinas ay $144.7 milyon lamang.

Kamakailan sinabi ni China Premier Wen Jiabao na itinaas nito ang kanilang budget para sa militar upang masiguro ang panalo.

AMERIKA

ANG CHINA

CHINA PREMIER WEN JIABAO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ESTADOS UNIDOS

HARESCO

MUTUAL DEFENSE TREATY

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with