Clinic ni Coseteng

MANILA, Philippines - Hindi siya doktor, ngunit nagbukas ng klinika ang Konsehal ng Ikatlong distrito ng lungsod Quezon na si Julian Coseteng sa pakikipagtulungan ng Clinic ng Bayan.

Kahapon ay pumirma ang konsehal ng Memorandum of Agreement kasama ang may-ari ng PrimaryCare Plus, Inc. at namamahala ng Clinic ng Bayan na si Robert Bautista, na nagbibigay ng propesyunal at mahusay na pag-aalaga na abot-kaya, mada­ling puntahan at ayon sa pa­ngangailangan ng mga komunidad na pinaglilingkuran nito.

Ang Clinic ng Bayan ay isang one-stop clinic na mayroong primary healthcare, specialty at ancillary care tulad ng comprehensive diagnostic, laboratoryo, botika at konsultasyon.

Namigay din si Coseteng ng mga P200 prepaid clinic load cards na ginagamit bilang access pass para sa Clinic ng Bayan.

“Layunin kong ma­ging masigla at maayos ang lahat ng pamilyang nasasakupan ko,” anang konsehal na naniniwalang ang kalusugan ang pinakamahalagang pa­ngangailangan ng kanyang mga kababayan.

Show comments