Paggawa ng asukal mula sa katas ng niyog palalakasin pa
MANILA, Philippines - Higit pang palalakasin ng pamahalaan ang paggawa ng asukal mula sa katas ng niyog o coconut sap sugar sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang coconut sap sugar ay itinuturing na bagong superstar product na inexport ng bansa dahil healthy at mababa ang glycemic index nito kaya ligtas na pampatamis sa pagkain o inumin at ideal sa mga may sakit na diabetes.
Sinabi ni Alcala, may $1 bilyon ang global market ng coconut sap industry at ito ngayon ay nangunguna sa Indonesia,Thailand at Pilipinas.
Lumalakas naman anya ang demand nito sa US, Middle East, Europe, Australia at New Zealand.
Dito sa bansa, mayroon pa lamang 36 producers ng coconut sap sugar na karamihan ay nakabase sa Mindanao.
Pinaalalahanan din ni Alcala ang mga producers nito na panatilihin ang kalidad ng produkto para hindi madiskaril ang industriya nito gaya ng sa nata de coco.
- Latest
- Trending