Kabataang volunteers, psychologists kailangan
MANILA, Philippines - Nangangailangan ng mga kabataang volunteer ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tumulong sa mga kababayang nasalanta at naapektuhan ng kalamidad.
Sa programang CNEX na ginanap sa Philippine Information Agency, nanawagan sa sektor ng kabataan si Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman upang lalong mapabilis at mapalawak ang pagbibigay ng tulong ng DSWD sa mga biktima.
“Any time ay pwede pong pumunta (ang mga gustong mag-volunteer) sa mga regional offices ng DSWD... Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website (www.dswd.gov.ph) para sa karagdagang detalye,” sinabi ni Soliman, kasabay ng pag-apela sa kanila na gamitin sa kapaki-pakinabang na gawain ang bakasyon ngayong summer.
Gayundin, aniya, nangangailangan ang DSWD ng mga tapos o nakapag-aral ng kursong may kinalaman sa social sciences tulad ng psychologists, sociologists at community development workers upang makaagapay sa pagbibigay ng serbisyo sa mga evacuation center.
- Latest
- Trending