Pinas posibleng ma-blacklist
MANILA, Philippines - Nanganganib na ma-blacklist ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) kung hindi kaagad maaamiyendahan ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) matapos ma-downgrade ang bansa sa ‘dark grey list’ mula sa dating ‘grey list’.
Ayon kay Senator Sergio Osmeña III, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, hanggang sa katapusan na lamang ng Mayo ang taning upang hindi ma-blacklist ang Pilipinas.
Ang FATF ay isang inter-government body na tumututok sa money laundering, financial terrorism at paglaganap ng mga “weapons of mass destruction” sa buong mundo.
Pero aminado si Osmeña na posibleng hindi maipasa ang panukalang batas na mag-aamiyenda sa AMLA dahil nakatutok ang mga senador sa impeachment trial ni impeached Chief Justice Renato Corona at dalawang linggo na lamang ang natitira bago magbakasyon ang Kongreso.
“Sa sandaling ma-blacklist umano ang Pilipinas ng FATF, mas made-delay ang pagpapadala ng remittance ng mga OFWs at mapapatawan sila ng mas mataas na charges.
- Latest
- Trending