Sunud-sunod na krimen sa UPLB kinondena sa Kamara

MANILA, Philippines - Naghain ng resolusyon si Bayan Muna Rep. Teddy Casino upang kondenahin ang sunod-sunod na krimen sa UP-Los Banos.

Inihain ni Casino ang House Resolution 2229 upang ihanap ng katarungan ang pagkamatay ng tatlong estudyante na pinatay sa UP-Los Banos area.

Noong Marso 4 ay sinaksak at napatay ng holdaper ang 19-anyos na Agriculture student na si Ray Bernard Penarada. Siya ay galing sa isang practice sa pagsasayaw. Ang pagpatay kay Penarada ay nangyari limang araw matapos ang panggagahasa at pagpatay sa 14-anyos na si Rochel Geronda, isang estudyante sa Los Baños National High School.

Limang buwan na ang nakakaraan ay natagpuan naman sa isang kanal ang katawan ng UPLB student na si Given Grace Cebanico na ginahasa bago pinatay.

“Whereas, Filipinos can no longer take these senseless killings. Justice must be served. More importantly, future crimes must be prevented,” ani Casino.

Show comments