^

Bansa

1,000% taas sa presyo ng tabako inangalan ni Dy

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Dismayado si Isabela Governor Faustino Dy sa panukalang pagpepresyo ng P30 kada pakete sa lahat ng produktong tabako kahit saan ito galing at kasikatan nito sa merkado kung saan lumalabas na mahigit umano sa 1,000 porsiyentong pagtataas nito.

Sinabi ni Dy na mas­yadong marahas ang panukala sa Kamara ni Cavite Rep. Emilio Abaya na sigurado naman umanong makakahanap pa ng ibang alternatibo at hindi lamang limitado sa nasabing House bill na siguradong magreresulta ng paghihirap ng industriya ng tabako.

Nilinaw naman ng gobernador na hindi siya tutol sa anumang pagtataas sa excise taxes dahil nauunawaan naman umano nila na ang buwis ang siyang life blood ng gobyerno subalit ang polisiya umano ay dapat na maging balanse sa pagitan ng pangangaila­ngan ng gobyerno at sa pangangailangan ng lokal na industriya na dapat matugunan.

CAVITE REP

DAPAT

DISMAYADO

EMILIO ABAYA

ISABELA GOVERNOR FAUSTINO DY

KAMARA

NAMAN

NILINAW

SINABI

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with