MANILA, Philippines - Posibleng sa Oktubre na itakda ang filing of candidacy ng mga kandidato na tatakbo sa May 2013 elections. Sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reforms kahapon, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na plano nilang itakda ang filing ng COC sa Oktubre 1-5. Maaari umano na mapalawig pa ito ng ilang araw upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magpapalit ng kandidato. Hindi pa naman kumbinsido ang mga kongresista na dapat nang bilhin ng Comelec ang mga precinct count optical scan machine na ginamit noong 2010 elections. Kung bibilhin ang PCOS machines ay makatitipid daw ang gobyerno.