Trenching activity sa West Valley fault, nakumpleto na ng QC govt. at Phivolcs
MANILA, Philippines - Nakumpleto na ng Quezon City government at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang trenching activity sa West Valley Fault line sa Brgy. Bagong Silangan sa lungsod upang malaman at madetermina ang pinagmumulan ng fault line tulad ng ground rupture movements at slip rate estimates doon. Ang aktibidad ay kinabibilangan ng paghuhukay sa dalawang trenches, may 50 metro ang haba sa loob ng 50 ektaryang lupa ng Banco Filipino sa Brgy. Bagong Silangan na batay sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) ay may mataas na susceptibility sa lindol na nasa kahabaan ng Brgy. Payatas sa QC.
Bunga nito, naitala ng geologists ng Phivolcs ang pagkakaroon ng ground displacement partikular ang unti-unting pagbabago ng sediment layers sa may fault. Sa ngayon ang Phivolcs ay nagsasagawa ng pagkolekta ng piraso ng mga uling para sa carbon-14 analysis para malaman ang tamang oras ng pagtama ng lindol at ang edad ng sediment layers na naapektuhan ng ground displacement. Ayon sa MMEIRS, maaaring magresulta ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 kapag gumalaw ang West Valley Fault line. Una rito, iniutos ni QC Mayor Herbert Bau tista bilang danger zone ang 7 kilometrong haba ng fault line na nasa loob ng lungsod.
“The safety of our residents, particularly those living on top of the faultline, is non-negotiable, our plan is to discourage the construction of structures within the 5 meter-wide borders or buffer zone on both sides of the fault line. We are considering declaring this buffer zone as non-residential to avoid further damage in case of ground rupture,” ayon kay Bautista.
- Latest
- Trending