NBP probe sinimulan ng DOJ
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Department of Justice ang imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa New Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gaudencio Pangilinan. Gayunman, hindi humarap si Pangilinan at tanging ang complainant lamang na si Kabungsuan Makilala, dating Prison guard 3 ng NBP ang nagpakita. Kabilang sa mga reklamo ni Makilala laban kay Pangilinan ay ang umano’y hinati-hating procurement sa mga proyekto upang wala nang maganap na bidding, pagpapaputol ng 50 puno na isang daang taon na ang edad nang walang pahintulot mula sa Department of Environment and Natural Resources at iba pa.
- Latest
- Trending