Bombproof na Pres'l car ni PNoy pinamamadali
MANILA, Philippines - Pinamamadali ng grupong “movement 188” sa Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng pondo na pambili ng bago at hi-tech na Presidential car para maproteksyunan ang Pangulo.
Sa House Resolution no. 2191, kailangan ng makabili ng bagong bulletproof at bombproof na sasakyan upang mapalitan ang binahang sasakyan ng Presidential Security Group (PSG) kayat ang personal na sasakyan na lamang ng Pangulo ang ginagamit nito sa araw-araw.
Ang nasabing sasakyang bibilihin umano ay mayroong security features upang mas maproteksyunan pang mabuti ng PSG ang Pangulo sa mga tangkang pag-atake ng mga international terorrists na gumagamit ng Improvised Explosives Device (IED) bombs upang i-assassinate ang kanilang mga target.
Ang IED umano ang siyang ginamit sa magkakahiwalay na pag-atake sa convoy ni Local Government Secretary Jesse Robredo sa Cotabato City at sa convoy ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu sa Tacurong City noong nakaraang taon.
Paliwanag ng grupo maari namang i-realign ng DMB ang pondo mula sa savings ng gobyerno na pambili ng sasakyan kundi maging ng mga matataas na pinuno ng ibat ibang bansa na bibisita sa Pilipinas.
Kabilang sa tatlong sasakyan na ginagamit ng Palasyo ay ang dalawang Mercedes Benz W221 S-Class limousine na binili noong 1998 at ang Mercedes Benz S-Guard automobile na binii noong 2007 subalit nasira na ito matapos na malubog sa tubig-baha noong bagyong Ondoy.
- Latest
- Trending